Chapter 13
Chapter 13
“WHAT’s for breakfast today, manang?” Naghihikab pang sinabi ni Lea nang makarating na sa kusina.
Ilang oras lang ang naitulog niya dahil tinapos niya pa ang design ng bahay ng huling kliyenteng
tinanggap niya. Pagkatapos niyon ay gusto niya na muna sanang magbakasyon para mas
makapaglaan ng oras sa anak.
Matapos makainom ng tubig ay inaantok pa ring nag-stretching si Lea gaya nang nakasanayan niya.
Pero nang manatiling walang sumasagot sa kanya ay napipilitang humarap na siya sa kanilang cook.
Naglaho ang kahuli-hulihang bakas ng antok niya nang hindi si Manang Fe ang nabungaran niya kundi
si Jake na kasalukuyang nakatulala pa sa kanya. Namilog ang mga mata niya kasabay niyon ay
napapahiyang naibaba niya ang mga braso. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Good morning.” Sa halip ay namamaos na sagot ng binata. “I… ah,” Malakas na tumikhim ito. “Nag-
usap na tayo kagabi… nakalimutan mo na ba? Ipinadala ko na lang rito ang mga gamit ko kaninang
umaga. Hindi na ako umalis simula kahapon. Pinagbakasyon ko na rin muna sina Manang Fe at ang
iba pang kasambahay. Sinabi kong babawi ako. And I meant it. Marunong naman akong magluto kahit
paano.” Kinindatan siya nito. “Ako na munang bahala sa lahat dito sa bahay habang nasa opisina ka.
Trust me. Walang mababasag rito. And I won’t burn the house. I promise.”
Napatango si Lea nang maalala ang kasunduan nila. Muli siyang kumuha ng maiinom pagkatapos ay
humarap kay Jake na nahuli niyang titig na titig sa kanya… higit lalo sa damit niya.
Nagtataka namang napatingin rin si Lea sa kanyang suot. Ganoon na lang ang pag-iinit ng mga pisngi
niya nang maalalang isang manipis na itim na negligee lang ang suot niya. Ni wala siyang suot na bra.
Palibhasa ay nasanay siyang puro babae lang sila sa bahay na iyon. Mabilis na nanakbo siya paalis ng
kusina.
Kumakabog ang dibdib na isinara ni Lea ang pinto ng kwarto niya nang makapasok na roon. Pero
mayamaya lang ay nakarinig siya ng magkakasunod na katok. Hinila niya na muna ang bathrobe sa
gilid ng kanyang kama at ipinaibabaw sa suot na negligee bago niya binuksan ang pinto. Bumungad sa
kanya ang nakangiting mukha ni Jake.
“Hi!”
Kumunot ang noo ni Lea. “What now?”
Sa pagkagulat niya ay muling lumapit si Jake at ikinulong siya sa mga bisig nito. “This is our first
morning as a family. And I just want to start this day by saying thank you for being my daughter’s
mother, Lea.”
Natigilan siya. Nanatili lang siyang parang estatwa na nakatayo roon. Pero nang ilang minuto na ang
lumilipas at hindi pa rin siya pinakakawalan ng binata ay tinapik niya na ang likod nito.
“Okay na. You can let me go now.” Naiilang na sinabi niya sa takot na maramdaman ni Jake ang
kakaibang bilis na naman ng tibok ng puso niya. Sa kabila ng lahat ay para bang loyal fan na
natataranta pa rin ang puso niya at nagkakaganoon sa tuwing malapit ito. Lalo na kung ganoon kalapit.
“I can’t.” Sa halip na bumitaw ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. “I miss
embracing you so much. Isang minuto pa, please?”
Pero lumampas pa sa isang minuto ang yakap na iyon ni Jake. Nang sa wakas ay pinakawalan siya
nito ay muli itong ngumiti. “Ihahatid ka na namin ni Janna mamaya sa office. Pagkabihis mo, ‘baba ka
na agad. Breakfast will be served by then.”
Ilang segundo nang nakakaalis ang binata ay nanatili pa ring nakatayo si Lea sa pinto. Mayamaya ay
nakita niya ang nananakbong anak palapit sa kanya. Mayroon itong dilaw na rosas na nakaipit sa
kaliwang tainga nito. The kid was glowing.
“Mommy, look! Pinitas ‘to ni daddy sa garden at nilagay sa tainga ko. Wala daw siyang time bumili kaya
nakipitas na muna siya.” Humagikgik ito. “He said it looks pretty on me.”
Nakakahawa ang ngiti ng bata kaya bago pa mamalayan ni Lea ay gumuhit na ang matamis na ngiti sa
kanyang mga labi. “Your Daddy is right, sweetheart. You looked incredibly pretty today. But next time,”
Masuyong hinalikan niya sa noo ang anak. “Tell him to buy, okay? Baka maubos ang rosas kung
aaraw-arawin niya. Baka magwala rin si Manang Carol, mahirap na.” Tukoy niya sa kasambahay nilang
masipag na nagtanim ng lahat ng mga halaman sa hardin.
Muling humagikgik ang anak. “I will, Mommy.”
Bumuntong-hininga si Lea. Ngayon niya naisip ang impact ng biglaang pagdedesisyon noong
nagdaang gabi. Tama nga bang umasa ang anak sa lahat ng iyon? Paano kung panandalian lang pala
iyon dala ng usig ng konsensiya ni Jake sa nangyari?
Tama rin bang… magpadala siya sa agos? Pero paano kung mas masaktan hindi lang siya kundi pati
ang kanyang anak? Can she handle another pain?
“I’VE heard this song somewhere. Tumatak siya sa akin dahil sa lyrics. It says, ‘para saan pa ang mga
galos mo kung titiklop ka lang’?” noveldrama
Nagsalubong ang mga kilay ni Lea sa narinig. Mula sa pagkain ay nag-angat siya ng mukha paharap
kay Timothy. Hindi na siya nagpasundo pa sa kanyang mag-ama dahil bigla na lang nagyaya ang
binata na kumain sa labas. At dahil nalilito rin siya sa sarili at kailangan niya ng makakausap ay
pumayag siya. Ilang beses na rin itong dumalaw sa bahay niya pero ngayon lang sila nakapag-usap
nito nang maayos dahil sa tuwing nag-uusap sila ay parating lumalapit sa kanila sina Janna at Jake.
Nauupo ang mga ito sa tabi pa nila ng kaibigan. Wala namang sinasabi si Jake. Basta gumigitna lang
ito sa kanila ni Timothy. At hindi niya na ito naiintindihan. Para bang nag-iiba parati ang timpla nito sa
tuwing nakikita si Timothy.
Ayaw namang isipin ni Lea na nagseselos si Jake. Paano mangyayari iyon samantalang mahigit isang
buwan pa lang simula nang maudlot ang kasal nito? Isa pa, kung magugustuhan siya nito, hindi ba’t
dapat ay noon pa?
Oo nga at nagkasundo sila ni Jake na susubok na maging isang tunay na pamilya para sa kanilang
anak. Pero natatakot pa rin siyang umasa. Mahigit sampung taon niya nang ginagawa iyon. She felt
like she had been hoping and waiting for Jake to come around all her life. Pero walang kinapuntahan
iyon. Kung hindi pa naaksidente ang anak ay duda si Lea kung makikipagkasundo ngayon sa kanya si
Jake.
Sa nakalipas na anim na linggo ay nakita niya kung paano sumaya nang sobra-sobra ang kanyang
anak. Naka-leave pa rin sa trabaho si Jake kaya ang mag-ama ang halos magkasama buong araw. At
dahil natapos na ang dalawang linggong bakasyon ni Lea ay balik-trabaho na rin siya. Nasulit rin ang
pahinga niya dahil nag-out of town sila noong nakaraang mga araw. Pansamantala niya na munang
ipinagpaliban ang kagustuhang mag-resign sa trabaho para magsolo ng firm.
Araw-araw rin ay hinahatid at sundo siya ng mag-ama pagkatapos ay sa labas na sila kumakain,
nanonood ng sine o kaya ay nag-iikot sa iba’t ibang shopping malls. She can see how Jake was trying
so hard to break the walls between them. Pinagsisilbihan sila nito. Kung magpapakatotoo lang siya sa
sarili ay aaminin niyang nagugustuhan niya ang atensiyon na natatanggap nila ng anak.
“What do you mean?” Mayamaya ay tanong ni Lea.
“Naguguluhan ka, ‘di ba?” Nagkibit-balikat si Timothy. “You don’t know whether you should push
through the set-up or you should back out.” Napangiti ito nang bumakas ang pagkasorpresa sa mukha
ni Lea. “Kilalang-kilala na kita, Lea. In fact, mas kilala pa nga kita ngayon kaysa kay Jake. Lalo na at
mukhang mainit rin ang ulo niya sa akin. Hindi kami nag-uusap. Sabagay, hindi naman talaga kami
kahit kailan naging close noon pa man sa frat. Magkaiba ang mga naging kaibigan namin ro’n. Sina
Nyclear, Klay, Ross, Milton at Trevor ang naging mga kaibigan niya. The point is, sugatan ka na. Eh ‘di
lumaban ka pa. Make those wounds worth it by fighting again. Go for what your heart truly wants. Don’t
hold back. Fight for your family.”
Ilang sandaling hindi nakaimik si Lea. Gaya ng dati ay humanga siya sa kaibigan. Totoo ngang kilala na
siya ni Timothy. Pakiramdam niya, kahit ang puso niya ay mas kilala na nito kaysa sa kanya. Hindi niya
alam pero parati siyang nakakalma sa mga payo nito. Minsan nga, kahit hindi na ito magsalita. Basta
maramdaman niya lang ang presensiya nito ay sapat na para gumaan kahit paano ang nararamdaman
niya.
Pinagmasdan ni Lea si Timothy na bumalik na sa maganang pagkain. Mayamaya ay napangiti siya.
“Bakit ba ang galing-galing mong mag-advice sa akin parati ng tungkol sa pag-ibig samantalang ikaw
nga, zero ang love life?”
Nabulunan ang binata. Namula ang mukha nito sa kauubo. Nagmamadali namang inabutan niya ito ng
tubig. Nasaid nito ang laman ng baso bago namumula pa ring humarap sa kanya.
“You got me there, woman.”
“Seriously, hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga kang makasama ang isang tulad ko samantalang
pwede mo namang ilaan ang oras mo sa ibang tao. I mean, you’re successful. You’re smart. And
you’re the most compassionate man I’ve ever met.”
Nangalumbaba si Lea sa mesa. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng kaibigan. Sa totoo lang ay
gwapo si Timothy. Hindi kaila sa kanyang maraming nurse at babaeng doktor sa ospital na
pinapasukan nito ang humahanga rito. “You’re handsome as well. Bakit ka single pa rin hanggang
ngayon?”
Ngumiti ang binata. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na tumagos ang ngiting iyon sa mga mata
nito. May namuong kung anong ideya sa isip ni Lea sa nakita na agad niya ring kinontra.
“Only the aching heart can recognize another aching heart, Lea. That’s… all I can say.”
“SO, it’s about that Timothy again. Pare naman. Linggo-linggo na lang na tungkol sa kanya ang laman
ng speech mo. Nagtataka na nga kami sa ‘yo, eh. Hindi ba’t dapat ay si Alexis ang inirereklamo mo
dahil siya ngayon ang kasama ng dapat ay bride-to-be mo? But here you are, ranting about Timothy
again who isn’t even Lea’s boyfriend.”
Napahinto sa tangkang pag-abot ng beer si Jake matapos marinig ang pag-angal na iyon ng kaibigang
si Trevor. Nasa Rack’s Bistro siya nang mga sandaling iyon na pag-aari nito at ni Ross kasama ang
tatlo pa nilang mga kaibigan na sina Klay, Milton at Near.
Naiiling na napasandal si Jake sa kinauupuan. Siya man ay hindi na rin maintindihan ang sarili. Pero
para siyang nagta-transform sa tuwing nakikita sina Lea at Timothy na magkasama. Pinagselosan niya
si Alexis na best friend ni Diana na siyang isa pa nga sa mga dahilan kung tutuusin ng pagkasira ng
kasal nila pero hindi gaya ng naramdaman niya rito ang kakaibang init ng ulo na nararamdaman niya
para kay Timothy ngayon. Ni hindi niya nga alam kung ano eksakto iyon. At ni hindi niya rin alam kung
bakit siya nagkakaganoon.
Hindi naman likas na mainit ang ulo niya kay Timothy. Nagsimula lang siyang makaramdam niyon nang
magsimula na ring pumasok ang lalaki sa buhay ni Lea. Pero pinilit niyang balewalain iyon noon
hanggang sa paminsan-minsan niya na lang iyong naaalala lalo na nang makilala niya na si Diana.
At si Diana… Aminado si Jake na madalas niya pa rin itong naaalala. Naroon pa rin sa puso niya ang
pamilyar na sakit sa tuwing naiisip ito at ang naudlot na kasal nila. Pero sa kung anong dahilan ay para
bang hindi naging ganoon kahirap para sa kanya ang pakawalan ito, ang tanggapin na hanggang doon
na lang sila lalo na at napunta naman ito sa lalaking nakasisiguro siyang mamahalin rin ito nang buo.
Sa aspetong iyon sila nagkasundo ni Alexis: sa pagmamahal kay Diana.
Sa tuwing nakikita rin ni Jake ang anak na masaya at nakangiti sa kanya ay nababawasan ang sakit
hanggang sa mawala na iyon at si Diana sa isip niya. At iba na ang pumapalit. Ang anak at si… Lea.
Malamig pa rin ang pagtrato sa kanya ni Lea. Pero nalulusaw ang kalamigang iyon sa tuwing nakikita
nito ang kanilang anak. And that… warms his heart every time. Matagal niya nang alam na mabuti
itong ina. Pero ngayon niya iyon nasasaksihan nang husto lalo pa at sa iisang bubong sila ngayon
nakatira.
Walang sandaling hindi siya napapahinto sa tuwing nakikitang magkasama ang mag-ina at
naglalambingan. Anuman ang ginagawa ni Jake ay awtomatikong naititigil niya para pagmasdan ang
mga ito. It can be Lea’s smile or the sparkle in her eyes. Noong magkaibigan pa sila ay napapansin
niya na iyon. Pero parang ngayon niya iyon napahalagahan nang todo… ngayong hindi na ito
ngumingiti sa kanya nang ganoon. Ngayong hindi na kumikinang ang mga mata nito sa tuwing
tumitingin sa kanya.
Meron pa pala itong ibang nginingitian nang ganoon. Si Timothy.
Timothy can easily make Lea smile. Napakaganda ng ngiti nito sa tuwing kasama ang lalaking iyon,
ngiting hindi nito maibigay sa kanya. At nauunawaan naman ni Jake kung bakit. Pero hindi niya pa rin
iyon nagugustuhan. Siguro dahil… siya dati iyon. Iyong posisyon ngayon ni Timothy sa buhay ni Lea,
sa kanya dati iyon. And God… he missed seeing her smile that way. He missed hearing her laugh.
Ni hindi nga siya makahanap ng kakampi sa tuwing dumadalaw si Timothy sa bahay nina Lea dahil
kahit si Janna ay napakalapit rin sa lalaking iyon. May kakaibang koneksiyon ang tatlo na wala sa
kanila nina Lea. At… kinaiinggitan ni Jake iyon. Kahit si Timothy ay kinaiinggitan niya. Dahil hindi man
sila nito naging malapit sa isa’t isa, bali-baliktarin niya man ay wala naman siyang maipipintas rito. At
naaasar siya sa bagay na iyon. Because Timothy was proving to be more deserving to stay in Lea and
Janna’s life than him.
Kung hindi sana siya nagpakagago noon, kanya pa rin sana ang pwesto ni Timothy. Siya lang sana
ang naging sandalan ni Lea, ang kikilalaning ama ni Janna hindi gaya ngayon na dalawa raw sila ng
Ninong Timothy nito na ama nito. “Damn.”
“Jake, hindi kaya…”
Iritado pa ring napasulyap siya kay Ross na bakas ang pagkagulat sa mukha. “Hindi kaya ano?”
“Ilang beses na namin ‘tong nililinaw sa ‘yo. Ang sabi mo naman, hindi ka nagkakaganyan dahil malapit
rin si Janna kay Timothy. Kundi dahil sa simpleng rason na malapit si Lea sa lalaking ‘yon. Hindi
kaya… mahal mo na si Lea? Paano kung matagal mo na pala siyang mahal pero nabulagan ka lang ng
kung ano?”
“Pero kailan lang nang ma-postpone ang kasal mo kay Diana, ah.” Singit naman ni Near. Kumunot rin
ang noo nito. “Hindi kaya… dalawa pala silang mahal mo?”
“It’s possible. May mga narinig na akong kwentong ganyan.” Napatango namang sinabi ni Milton. “Pero
sinong mas mahal mo?”
Napailing si Klay. Lumipat ito sa tabi ni Jake at nakangising tinapik siya sa balikat. “Ganito lang ‘yan,
pare. Lose her. Only then will you know how much she matters.”
What do you think?
Total Responses: 0
If You Can Read This Book Lovers Novel Reading
Price: $43.99
Buy NowReading Cat Funny Book & Tea Lover
Price: $21.99
Buy NowCareful Or You'll End Up In My Novel T Shirt Novelty
Price: $39.99
Buy NowIt's A Good Day To Read A Book
Price: $21.99
Buy Now